Pag-isipan Muna Bago Gawin

     Hindi lumilipas ang taon na walang pagbabagong nangyayari.Kagaya ng fashion na palaging sikat bawat taon.

May iba pa na palaging gasta ng gasta makasunod lang sa uso ngayon na nagreresulta nang pagkabaon sa utang.Ngunit kung hindi mapipigilan ang layaw na magshopping at maggasta ay maaaring mauwi sa pagiging shoppaholic.Ang shoppaholic ay ang pagbibili o pagshoshopping ng mga gamit na hindi naman talaga kailangan.

Kung tutuusin marami na ang sumasabay sa uso,ngunit sana naman tingnan muna kung nababagay ba sa sarili ang nabibiling mga fashion accessories upang hindi maghinayang sa huli.

Sa kadahilanan na rin ng kagustuhan agad sumabay sa iba,nahuhumaling na ang mga tao na bumili online na nagdudulot ng panloloko sa kanila gamit ang iba’t-ibang websites.Gaya na lamang ng mga magaganda at mamahaling mga bag na binebenta online pero nang dumating na sa iyo ay mumurahin lang pala ito at hindi kagandahan o kailangan mo munang ipadala ang pera bago makuha ang mga item ngunit wala naman palang umabot ni isa.Sayang lang ang pawis at pagpupursige na nilaan sa paghahanap ng pera kung mauuwi lamang ito sa wala.

Habang maaga pa ay kontrolin na ang sarili.Mas mabuti kung gagamitin natin ang ating pagka-advance mag-isip.

Ika nga sa wikang ingles,”think before you pick,”upang wala kang idahilan sa iyong sarili na karapatdapat pang pagsisihan ang mga nagawa mo sa huli sapagkat pinag-isipan mo naman ito ng mabuti.Para makasigurado sa kalidad ng bibilhing gamit na naaayon sa uso,kailangan suriin muna ang website kung safe ba o secured kung sakaling sa online ito bibilhin upang masigurado na hindi maloko o ma-scam.

Kagandahang Napupunan Nang Dahil Sa Fashion Taste

Marami na sa panahon ngayon ang in-na-in sa panlasa ng lahat.Mapamillenial man o hindi,taas noo pa rin nagsusuot ng iba’t-ibang uri ng uso ngayon gaya na lamang ng flower crown,crop top,off shoulder,highways,heaven,rip jeans at iba pa.Kadalasan na rin makikita ang iba’t-ibang kulay at style ng buhok na nakaka-agaw ng pansin sa mga tao.Sa mga babae naman madalas rin silang nakikita na gumagamit ng liptint o lipshiner,lalong-lalo na sa mga estudyante.

Pabago-bago na ang mga nauusong fashion sa ating henersyon ngayon sapagkat tayo’y angat na sa teknolohiya o tayo’y high-tech na.Malaya nang nakakapagpost ang mga tao,kaya naman madaling malaos ang mga uso.Kagaya lang ng bulaklak na nakakaantig man ang kulay at ganda,malalanta at malalaos pa rin ito sa paglipas ng panahon.

Paglipas ng panahon,ang mga nalaos na fashion trends ay babalik nanaman at ang nauuso ngayon ay maaaring wala na bukas dahil ang mundo ng fashion ay nakasalalay lang sa mga kagustuhan ng mga tao.Maaari natin itong baguhin kahit anong oras,ibalik ang nakaraan,o gumawa ng bagong uso na nababagay sa lahat ng mga tao at maaaring makadagdag sa kagandahan ng bawat isa.